Dasal kapag ako ay:
Malungkot: Hesus, ako po ay nalulungkot. Tulungan mo po ako na malaman ang saya ng pagmamahal sa iyo. Amen
Matamlay: Hesus ako po ay nananamlay. Tulungan mo po akong intindihin na ikaw ay aking kasama. Amen
Nagsisisi: Hesus ako po ay nagsisisi sa aking masamang nagawa. Tulungan mo po akong magbago. Amen
Minamahal: Hesus salamat po sa pagmamahal mo sa akin. Ikaw po ay akin ding mahal. Amen
Pasasalamat: Hesus salamat po sa pagbibigay mo ng lahat ng meron ako at sa pag aalaga sa akin. Amen
May sakit: Hesus tulungan mo pong gumaling ang lahat ng may dinaramdam ngayon. Amen
Takot: Hesus protektahan nyo po ako at bigyan ng lakas ng loob upang ako ay maging matapang. Amen.
Galit: Hesus tulungan mo po akong kumalma upang mawala ang aking galit. Amen
DASAL para sa Aking:
Pamilya: Hesus basbasan mo po at protektahan ang aking pamilya. Amen.
Kaibigan: Hesus salamat po sa aking mga kaibigan. Basbasan nyo po sila. Amen.
Ispesyal na Dasal para sa:
Walang Tirahan at Mahirap: Hesus inyo pong basbasan ang mga taong walang pagkain at bahay. Amen.
Problema: Hesus kailangan ko po ng inyong tulong sa aking problema. Ipakita nyo po sa akin kung pano ko ito masosolusyonan. Amen.
Nangangailangan: Hesus may mga nangangailangan po ng ispesyal na dasal ngayon. Pagalingin nyo po sila at bigyan ng inyong pagmamahal. Amen
Kamatayan: Hesus basbasan nyo po ang lahat ng namatay at pumunta sa kalangitan. Lagi nyo pong ipaalala na darating ang araw na ako ay aakyat din sa langit. Amen.
Panalanging Pang-araw-araw:
Umaga Hesus protektahan nyo po ako at gabayan sa buong araw. Maging biyaya nawa ako sa iba. Amen
Kainan Salamat O Hesus sa pagkaing ibinigay nyo sa amin. Amen.
Oras ng Pagtulog Ngayon ako ay mahihimbing at hinahabilin ang aking kaluluwa sa Diyos upang ingatan. Magising nawa ako ng masaya at maayos sa pangalan ni Hesus. Amen.
Ano Mang Oras Salamat po Hesus sa pagmamahal. Purihin ko nawa lagi ang iyong banal na pangalan. Amen