CALLIE ANG HIGAD NG PASKO
Isang araw, sa lugar na tinatawag na Bethlehem, mayroong nakatirang higad na nagngangalang Callie. Siya ay isang mabait na higad na laging umiiwas sa gulo. Ito ay napaka hirap sa kanya, subalit, lagi syang nagkakamali sa pag pili.
Isang araw habang sya ay naghahanap ng makakain, ang batang higad ay nag desisyong umakyat sa tuktok ng burol. Nang marating nya ang tuktok, kanyang napansin na mayroong isang malaking kweba na napapaligiran ng maraming bato. Si Callie ay nasabik na iyon ay mapasok. Ngunit hindi siya sigurado na tama ang kanyang desiyon na akyatin ang madilim na kwebang iyon, ngunit sya ay nagpatuloy sa pag pasok dito.
Nang marating nya ang kweba, nagsimulang makaramdam si Callie ng panlalamig at pag-iisa. Siya ay kinakabahan dahil niminsan ay hindi pa sya nakakapunta sa lugar na madilim at nag-iisa. Dali-dali syang bumalik at naglakad palabas, at sa hindi inaasahan, ang maliit na higad ay nahulog na may kasamang mga bato at hindi na nya maalala ang daan palabas.
Matapos ang kangyang pagkakaligaw sa kweba ng tila napakahabang panahon, naisip ni Callie na hindi na sya makakalabas dito. Sya ay naliligaw sa kadiliman at kanyang sinasabi sa kanyang sarili na “Sana hindi ko na lang pinasok ang nakakatakot na kwebang ito”. Si Callie ay nakaramdam ng takot dahil hindi niya alam ang gagawin.
Si Callie ay nawawalan na ng pag-asa dahil kanyang naisip na wala ng makakahanap sa kanya. At sa sandaling iyon, nakarinig sya ng mga tunog ng asno, baka, at tupa. Ang mga tunog na iyon ang nagpasaya sa kanya at hindi na nya nararamdaman na sya ay nag-iisa.
Ito ay malamig at mahangin na taglamig na gabi sa Bethlehem kaya napagpasyahan ng mga magpapastol na dalhin ang kanilang mga alagang hayop sa loob ng kweba upang doon matulog. Nang makapasok na sila sa loob ng kweba na may mga dalang kandila at ng mailawan agad na nakita ni Callie kung gaano kalaki ang kweba. Sa malaking kuwarto, ang mga lalaki ay naghanda ng isang tumpok ng mga dayami upang mainitan at may matulugan ang kanilang mga alagang hayop. Tulad ng mga ibang hayop, ang batang higad ay nakaramdam din ng pagkaantok matapos ang mahabang araw. At di tumagal lahat sila ay agad na nakatulog.
Kinaumagahan ang mga pastol ay ginising ang kanilang mga alagang hayop at agad agad na umalis sa kweba. Nang oras na iyon, si Callie ay nagising, at nakita nya na wala na ang mga ito. Ang mga pastol kasama ang alaga nilang hayop ay maagang umalis upang maramdaman ang init ng araw sa umaga. “Ano na ngayon ang gagawin ko?”, sabi ni Callie. Pakiramdam nya na mamamalagi na sya mag-isa dito habang buhay.
Di nag tagal ang mga pastol ay bumalik upang isilong ang kanilang mga alagang hayop mula sa taglamig na gabi. Muling gumanda ang pakiramdam ni Callie dahil meron na syang ibang nakakasama sa kweba, ngunit sya ay naluha dahil alam nya na hindi na sya makakaalis sa napakalaking kweba. Kahit na ang mga hayop ay nandito, ang kanyang mga paa ay masyadong maiksi upang makasunod sa mga pastol at makaalis sa madilim na lugar.
Nang sya ay naawa na sa kanyang sarili, may biglang kakaibang nangyari. May isang taong nagngangalang Jose ang pumasok sa kweba. Sya ay naghanda ng higaang tumpok ng dayami hindi para sa hayop. Itong higaang ito ay para sa kanyang asawa na si Mary, na kinakailangan ng higaan para sa kanyang sanggol.
Ang higad ay napatingin na tila ba interesado habang hawak ni Maria ang kanyang bagong silang na lalaking sanggol na kanyang pinangalangang Hesus. Ang batang ito ay punong-puno ng liwanag at pagmamahal. Nang napatingin si Callie kay Hesus, ang kanyang pag-iisa at takot ay biglang nawala.
Sa gabing iyon, ang ibang mga pastol ay nagsipasok sa kweba at nagsimulang umawit para sa batang sanggol na si Hesus. At ang kwebang minsan na napakadilim ay biglang napuno ng liwanag na nagbigay ng kapayaan at kasiyahan sa bawat isa na naroon sa loob ng kweba. Di nagtagal, ang tatlong pantas na lalaki, na sumusunod sa isang maliwanag na bituin, ay naghandog ng kani-kanilang pamaskong regalo sa sanggol na si Hesus. Kanilang inihandog sa kanya ang ginto, kamanyang, at mira.
Si Callie ay nahiwagaan at humanga para sa sanggol na nagdala ng sobrang saya para sa lahat ng bumisita sa kanya. Ngunit sya ay nalungkot dahil wala siyang mairegalo sa sanggol na si Hesus. Naisip nya “Ako ay isang malungkot na higad na naliligaw sa loob ng kweba, ano ang maireregalo ko sa batang sanggol na nagbigay sa amin ng liwanag?” Sya ay nag-isip, at nag-isip, at nag-isip ng lubusan.
“Alam ko na!” sabi ni Callie. Sya ay sobrang nasasabik sa kanyang ireregalo kay Hesus. Sya ay nagpasya na ibalot ang kanyang sarili bilang Pamaskong handog. Dahan dahan syang gumawa ng bahay-uod at binalot ang kanyang sarili dito. Sa buong oras nya sa loob ng bahay-uod, iniisip ni Callie kung gaano nya ka gusto na ibigay ang kanyang regalo kay Hesus.
Pagktapos ng maiksing panahon, si Callie ay lumabas sa kanyang bahay-uod at kanyang nasaksihan ang himala ng pasko. Sya ay hindi na muling malungkot na higad na nakakulong sa loob ng kweba. Sya ay isa ng bagong nilalang, isang paruparo na may pakpak na hugis puso.
Sa paglipad ni Callie palabas sa madilim na kweba patungo sa liwanag, na may ngiti sa kanyang mukha, alam nyang sa pagkakataong iyon nagkaron sya ng tamang desisyon at si Hesus ay nasiyahan sa kanyang regalo.
Wakas